Monday, December 24, 2007

MAGASIN


Kita kita sa isang magasin.
Dilaw ang 'yong suot
At buhok mo'y green.
Isang tindahan sa may Baclaran,
Napatingin, natulala
Sa iyong kagandahan.

Naaalala mo pa ba
Nung tayo pang dalawa?
Di ko inakalang sisikat ka.
Tinawanan pa kita,
Tinawag mo akong walanghiya
Eh medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon...

REFRAIN
Hey, Iba na ang 'yong ngiti.
Iba na ang 'yong tingin.
Nagbago nang lahat sa 'yo.
Sana'y hindi nakita.
Sana'y walang problema
Pagkat kulang ang dala kong pera
Na pambili,
Pambili sa mukha mong maganda.

Siguro ay may kotse ka na ngayon.
Rumarampa sa entablado.
Damit mo'y gawa ni Sotto.
Siguro'y malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel
Of the Whole wide Universe.

REFRAIN

ADLIB

Kasi...
Nakita kita sa isang magasin.
At sa sobrang gulat di ko napansin.
Bastos pala ang pamagat.
Dali-daling binuklat
At ako'y namulat
Sa hubad na katotohanan.

(REFRAIN 2X)

Nasaan ka na kaya?
Sana ay masaya
Sana sa susunod na isyu
Ay centerfold ka na

No comments: